Tumayo si Vice President Leni Robredo laban sa extrajudicial killings, kung saan iginiit nito na hindi marapat na magkaroon ng “culture of fear” sa bansa.

“We must all stand together in defending our human rights, as well as the rights of those who cannot fight for themselves,” ayon kay Robredo, kung saan hiniling nito ang seryosong imbestigasyon sa mga nagaganap na patayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

“We should not foster a culture of fear in our society — one that tacitly accepts death and one that does not give respect to human life,” ani Robredo na naggiit na panagutin sa batas ang mga responsable sa pamamaslang.

Ang isyu ng extrajudicial killings ay babanggitin umano ni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang susunod na Cabinet meeting. Naniniwala ito na hindi umano kakanlungin ng Pangulo ang vigilante-style na pamamaslang.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

(Raymund F. Antonio)