LABING-ANIM na taon na ang nakalipas matapos himukin ni Nelson Mandela ang mundo para lumaban kontra AIDS, babalik ang mga eksperto at aktibista sa lungsod ng Durban sa South Aftrica ngayong Lunes sa hangaring mapaigting pa ang kampanya laban sa nasabing sakit.

Nasa 18,000 siyentista, campaigners, funders, at mambabatas ang nagdadagsaan sa port city para sa limang araw na 21st International AIDS Conference—isang konseho ng paglaban sa sakit na kumitil na sa mahigit 30 milyong buhay sa nakalipas na 35 taon.

Magiging punong-abala sa isang session sa kumperensiyang tatalakay sa epidemya ng HIV sa kabataan ang mang-aawit na si Elton John at si Prince Harry ng Great Britain.

“The message from Durban to the world is going to be that it’s too soon to declare victory. We have a long way to go,” sinabi ng International AIDS Society president na si Chris Beyrer sa Agencé France Presse.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hanggang taong 2000, tanging ang mayayamang bansa ang nangangasiwa sa biennial AIDS meeting. Ngunit nagbago ito nang ang South Africa ang naging kauna-unahang papaunlad na bansa—at unang bansang nakapag-ulat ng talamak na epidemya sa HIV sa populasyon nito—na naging punong abala para sa pulong.

Ang kumperensiya ay isang napakalaking kaganapan, ngunit ang emosyonal na epekto nito ang nagpabago sa kampanya laban sa AIDS.

Inulan ng batikos ng campaigners ang Big Pharma, inaakusahan ang mga kumpanya ng gamot ng pagbibigay ng life-saving drugs sa mga pasyente ng HIV sa mayayamang bansa, ngunit hindi nagbibigay sa mga may AIDS na nasa mahihirap na bansa.

Nanggagalaiti ring inakusahan ng ng mga aktibistang South African ng AIDS-denialism si noon ay President Thabo Mbeki, na naggiit na ang sakit ay dulot ng kahirapan, at hindi ng human immunodeficiency virus (HIV).

Ang star-studded cast sa Durban ay pinangunahan ni Mbeki, na pumalit kay Mandela, na naglarawan sa epidemya bilang “one of the greatest threats humankind has faced.”

Ang buhos ng suporta mula sa Durban ay nakatulong sa paglulunsad ng serye ng programa na nagbibigay ng gamot sa Third World at pinasigla ang mga pag-aaral sa bagong frontiers.

Ngunit makalipas ang 16 taon sa Durban, ang mga nangangambang ang HIV, sa pagiging malubha ngunit nakokontrol na sakit, ay naging talamak na.

Ngayon nananatiling walang lunas sa virus, nahaharap ang mga pasyente sa panghabambuhay na pagdepende sa mga mamahaling antiretroviral drugs na nagdudulot ng side effects.

Ngayong taon, susuriin ng mga delegado ang pinakabagong siyentipikong pag-aaral, sa kabila ng kabiguan sa kawalan pa rin ng bakuna laban sa traydor at tumitinding virus.

Nagtakda ang United Nations ng target para tuldukan ang pagkalat ng AIDS sa 2030, ngunit nagbabala sa pagkakaantala ng pagsisikap na ito.

Tumataas ang infection rates sa maraming rehiyon sa mundo, ayon sa UNAIDS agency, at partikular na marami ang nahawa sa Russia.

Mayroong 36.7 milyong tao sa mundo ang nabubuhay na may HIV/AIDS, pangunahin na sa sub-Saharan Africa.

Sa bilang na ito, tanging 17 milyon lamang ang nakatatanggap ng gamutan.

“We have to reach the other 20 million people living with HIV, and that’s going to take resources,” sabi ni Beyrer.

Ipinagdiinan ni Nobel Medicine laureate Francoise Barre-Sinoussi, isang French virologist at isa sa mga nakadiskubre sa AIDS virus noong 1983, na kailangan pa ng maraming pondo para rito.

“We need to renew investment and make all the changes needed to move towards an AIDS-free generation,” sinabi niya sa AFP.

Nabawasan ng anim na porsiyento ang mga bagong impeksiyon simula noong 2010—mula 2.2 milyon hanggang 2.1 milyon, at halos nangalahati ang pagkamatay dahil sa AIDS mula sa dating pinakamataas na naitatala, na nasa dalawang milyon, noong 2005.

Dumadami ang insidente ng pagkahawa sa hilagang Africa at Middle East, na ngayon ay may pinakamabilis na epidemya.

Agencé France Presse