CLEVELAND (AFP) – Sinabi ng US Secret Service noong Miyerkules na iniimbestigahan nito ang isang tagasuporta at informal advisor ni Republican presidential nominee Donald Trump matapos manawagan ang lalaki na barilin si Hillary Clinton dahil sa pagtataksil sa bansa.

Sinabi ni Al Baldasaro, New Hampshire state representative, sa radio host na si Jeffrey Kuhner noong Martes na “Hillary Clinton should be put in the firing line and shot for treason.”

Si Baldasaro, retired Marine, beterano ng unang Gulf war at masugid na tagasuporta ni Trump, ay nagsasalita tungkol sa pamamahala ni Clinton, bilang secretary of state, sa 2012 attack sa US mission sa Benghazi na ikinamatay ng apat na Amerikano.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina