CLEVELAND (AFP) – Pormal nang pinili ng mga Republican si Donald Trump bilang presidential nominee ng partido noong Martes, isang makasaysayang sandali sa politika ng Amerika at nakamamanghang tagumpay para sa lalaki na ang ambisyon na maupo sa White House ay kinutya ng marami.

Matapos ang masalimuot na kampanya na tinalo ni Trump ang 16 nitong mga karibal, sinabi ng tycoon na oras na upang ibuhos ang lahat para talunin si Democrat Hillary Clinton sa Nobyembre.

‘’This is a movement,’’ aniya sa mga delegado sa pamamagitan ng video link sa convention.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'