Mga laro ngayon
(San Juan Arena)
10 n.u. -- Jose Rizal vs EAC
12 n.t. -- St. Benilde vs LPU
2 n.h. -- Jose Rizal vs EAC
4 n.h. -- St. Benilde vs LPU
Magtatangka ang Jose Rizal University na tuldukan ang maalat na kampanya sa pagsagupa laban sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s basketball elimination ngayon sa San Juan Arena.
Nabigo ang Heavy Bombers sa bansag na ‘pre-tournament favorite’ nang malasap ang tatlong sunod na kabiguan, kabilang ang 66-69 pagkatalo laban sa Lyceum of the Phlippines Pirates noong Biyernes.
“We’re not playing with heart,” ayon kay Jose Rizal coach Vergel Meneses.
Muli silang masusubok ngayon kontra sa hanay ng Generals na may kakayahang makasorpresa ng kanilang katunggali sa pangunguna ng kanilang starting five na sina Hamadou Laminou, Sydney Onwubere, Francis Munsayac, Remy Morada, at Igee King.
Samantala, umaasa naman ang Lyceum na madadala nila ang naitalang unang panalo kontra JRU sa pagsagupa nila sa St. Benilde na sadsad sa ilalim ng standings tangan ang 5-0 karta.
Naipatikim naman ng Arellano ang unang kabiguan sa Mapua, 96-75, nitong Martes.
Hataw si Kent Salado sa naiskor na 20 puntos at siyam na rebound para sa Chiefs, umarya sa 3-1, habang nalaglag sa liderato ang Mapua, 4-1.
“Ang ganda ng linaro nila. Talagang sinundan nila lahat after that tough loss sa Letran. Down the down ‘yung energy nila nun, buti nakadepensa kay Oraeme kasi lagi kaming outplayed,” pahayag ni Arellano coach Gerry Codinera.
Iskor:
Arellano 96 — Salado 20, Nicholls 16, Flores 10, Aguilar 10, Jalalon 8, Gumaru 7, Enriquez 6, Villoria 5, Cadavis 4, Holts 4, Canete 4, Alcoriza 2, Meca 0, Gupilan 0.
Mapua 75 — Estrella 20, Serrano 12, Eriobu 12, Isit 10, Oraeme 9, Bunag 6, Biteng 3, Orquina 3, Victoria 0, Raflores 0, Menina 0.
Quarterscores:
20-16; 33-29; 66-51; 96-75.