PITONG katao ang naitalang namatay ng city government sa loob ng anim na buwan kaugnay sa kumplikasyon na sanhi ng Human Immunodeficiency Virus and Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS), ayon sa ulat ng Philippines News Agency (PNA).

Ayon kay Dr. Mely Lastimoso, coordinator of the City Health Office’s (CHO) social hygiene clinic, ang mga namatay ay kabilang sa mga pasyenteng na-diagnose ng “full-blown” o late stages ng HIV/AIDS simula noong nakaraang taon.

Aniya, hindi na nagawa pang sumailalim ng mga biktima sa antiretroviral o (ARV) drug treatment dahil huli na nang madiskubre ang kanilang karamdaman.

“These are patients who only sought treatment when there were already suffering from a number of opportunistic infections. They did not undergo prior tests for diagnosis and their infections were only detected when they were brought to our hospitals,” sambit ni Lastimoso.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ni Lastimoso na ang huling kasong naitala ay ang 27 taong gulang na lalaki na na-diagnose sa nasabing sakit sa Davao City noong nakaraang taon.

Aniya, hindi sumailalim ang pasyente sa ARV treatment at kalaunan ay isinailalim ang sarili sa isa pang screening kung saan mas lumala ang kanyang kondisyon.

Ayon sa opisyal, maaaring iba ang maging resulta ng eksaminasyon kung sa ibang lugar ito isinagawa.

Ngunit ipinaliwanag niya na ang kumpirmasyon ng lahat ng samples na isingawa ng pribado at pampublikong testing center sa bansa ay isinagawa ng Department of Health’s (DOH) Sexually-Transmitted Diseases/AIDS Cooperative Central Laboratory sa Maynila.

“His condition was again confirmed but by then it was already too late,” ani Lastimoso.

Ipinaliwanag niya na posibleng mapahaba ang buhay ng pasyente kung agad itong sumailalim sa ARV treatment matapos niyang madiskubre ang kanyang karamdaman.

Nag-aalok ang DOH provides HIV/AIDS patient ng libreng maintenance o ARV drug treatment, na nakatutulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Para sa buwan ng Hunyo, ayon sa CHO, ang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod ay umabot na sa 361.

Karamihan sa mga biktima ng nasabing sakit ay kalalakihang nasa edad 22 hanggang 25 na may “risky sexual behaviors.”