Pitong import ang bibitbit sa kampanya ng Team Philippines Mighty Sports Club Apparels sa paghahangad nitong ibalik sa Pilipinas ang korona ng 38th William Jones Cup sa pagsabak nito simula sa Hulyo 23 sa New Taipei City, Taiwan.

“One week pa lang kami nagkasama-sama pero maganda na ang blending. Hindi mahirap turuan ang mga player,” pahayag ni head coach Bo Perasol.

Ang koponan ay binubuo nina UP Maroons Team captain Eldrick Ferrer, Tyrone Tang na nagretiro na sa Rain Or Shine/La Salle, Jeric Teng na dating Rain Or Shine/UST, Larry Rodriguez na mula ROS at huling naglaro para sa TNT, si Leo Avenido na naging ABL MVP at Sunday Salvacion mula Ginebra San Miguel.

Tutulungan ang koponan ng Fil-Am na si Jason Brickman na mula Westport Malaysia Dragons champion at MVP, si Dewarick Spencer na high scoring guard ng Seoul SK Knight sa KBL; si Zachary Graham na isang Spanish League veteran at naglaro sa Air21 Express.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasama rin sina Michael Singletary mula Osaka Evessa sa BJ League at Barako Bull; Troy Gillenwater na isa rin superstar sa KBL; si Hamady N’diaye, na shot blocker mula sa Senegal na naglaro sa FIBA OQT at KIA Carnival; si Vernon Macklin mula Barangay Ginebra at si Al Thornton na NBA veteran at naglaro sa NLEX Road Warriors.

Ang Team Manager ay si Jean Michael Alabanza habang assistant coach sina Charles Tiu at Mike Fermin. (Angie Oredo)