LOS ANGELES (AP) — Hindi man kabilang sina world No.2 Dustin Johnson at No.3 Jordan Spieth, masasabing ‘team to beat’ ang US Olympic golf team sa nabuong koponan na isasabak sa Rio Games.

Ipinahayag nitong Lunes (Martes sa Manila) ng US golf association na kakatawanin ang bansa nina major champion Bubba Watson, Rickie Fowler, Patrick Reed at Matt Kuchar sa men’s team, habang sina Lexi Thompson, Stacy Lerwis at Gerina Piller ang bubuo sa women’s squad.

Naabot ng apat ang pinakamataas na quota sa laro, samantalang sa mga babae ay tatlo lamang ang nakapasok sa top 15 players sa buong mundo.

Nakamit nina Watson at Fowler ang world’s No. 6 at No. 7 ranked, ayon sa pagkakasunod, habang pinalitan nila Reed, rated No. 14, at Kuchar, No. 17, sina Spieth at Johnson na kapwa umatras sa takot sa Zika virus.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kung napaaga ang British Open, si Phil Mickelson ang lalaro imbes na si Kuchar matapos sumegunda ang tinaguriang ‘Lefty’ sa naturang major championship.

Napanalunan ni Watson ang Northern Trust Open noong Pebrero at siya lamang ang natatanging Rio-bound American na nagwagi ng torneo sa Tour ngayong taon. (Isinalin ni Helen Wong)