ZAMBOANGA CITY – Napaulat na kinakapos na ang supply ng pagkain at mga bala ng mga sundalong naatasan para pulbusin ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa tatlong bayan sa Basilan.

Ito ang obserbasyon ni Joel Maturan, dating alkalde ng Ungkaya Pukan, na nagsabing hindi sapat ang supply ng pagkain at bala ng militar upang ipagpatuloy ang pinaigting na laban kontra sa Abu Sayyaf sa Ungkaya Pukan, Al-Barka, at Tipo-Tipo.

“The food provision and ammunition of our soldiers stationed in the three towns seems not enough to sustain their food equipment and ammunition while in the conduct of the so called Focus Military Operations fight against the ASG,” ani Maturan. “Hindi ko lang narinig ito, nakita ko mismo.”

Idinagdag ni Maturan na sa isang insidente, sinalakay ng ASG ang kampo ng militar at hindi na magawang makaganti ng mga sundalo sa sunud-sunod na pagpapaputok ng mga bandido. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito