TAIPEI, Taiwan (AP) — Isang tour bus na nagdadala ng mga bisita mula sa China ang biglang nagliyab sa isang abalang highway malapit sa kabisera ng Taiwan noong Martes, na ikinamatay ng 26 kataong sakay nito, sinabi ng mga opisyal.

Nangyari ang aksidente sa No. 2 national highway sa Taoyuan county, timog ng Taipei, kung saan matatagpuan ang international airport ng isla, sinabi ng fire and rescue service ng bansa.

Ayon dito, 24 sa mga sakay ay mga turista na mula sa Liaoning province ng China at nakatakdang lumipad pabalik kinahapunan ng Martes. Ang iba pang namatay ay ang driver at ang tour guide, kapwa Taiwanese.

Wala pang opisyal na pahayag sa naging sanhi ng apoy, ngunit iniulat ng Central News Agency ng Taiwan at iba pa na lumalabas na nagliyab ang bus matapos mawalan ng kontrol, umikot at bumangga sa guard rail ng highway.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3