BEIJING (AP) — May kabuuang 416 na atleta, kabilang ang 35 dating kampeon, ang isasabak ng Team China sa Rio Olympics, ayon sa ulat ng state media nitong Lunes.

Binubuo ang delegasyon ng China ng 160 lalaki at 256 na babae na lalaban sa 210 event ng kabuuang 26 na sports, ayon sa Xinhua News Agency.

Kabilang ang mga opisyal, coach at supporting staff, may kabuuang 711 ang bilang ng Team China, pinakamalaking delegasyon na nabuo ng bansa sa quadrennial meet.

Ayon kay Cai Zhenhua, deputy director of the General Administration of Sport, bahagi rin ng delegasyon ang 29 na foreign coach na nagtatrabaho sa Mainland.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Suot ang kanilang uniporme na pulang jacket sa kalalakihan at dilaw sa kababaihan, ipinakilala ang delegasyon sa isang seremonya sa Great Hall of the People sa Beijing, sa pangangasiwa ni Communist Party official Liu Yunshan.

Ang pinakabatang atleta sa delegasyon ng China ay ang 14-anyos na swimmer na si Ai Yanhan, habang si Beijing 2008 Olympics shooting champion Chen Ying ang pinakamatanda sa edad na 39. Ito ang ikaapat na pagkakataon na lalaro sa quadrennial Game si Ying.

Nakamit ng China ang overall championship noong 2008 Games at pumangalawa sa 2012 London Olympics tangan ang 38 gintong medalya.