Magpapatuloy ang Shell National Youth Active Chess Championship sa pagsulong ng Visayas leg sa Hulyo 23-24 sa SM City Cebu, Cebu City.

Inaasahan ng longest-running chess talent-search sa bansa na mapapantayan nito ang tagumpay sa isinagawang unang dalawang leg sa NCR at Southern Luzon kung saan target na makuha ang 300 kalahok.

Nagmula sa Visayas ang pinakamaraming local chess champion kung kaya’t inaasahan ang malaking bilang ng kalahok sa kiddies, juniors at seniors categories ng event na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Ang kiddies division ay para sa player na nasa edad 7 hanggang 12 (ipinanganak mula 2004 hanggang 2009), samantalang ang juniors division naman ay binubuo ng player na nasa edad 13-16 (ipinanganak mula 2000 hanggang 2003) at ang seniors category, may pinakamaraming manlalaro noong nakaraang taon, ay para sa kabataan na nasa edad 17 -20 (ipinanganak mula 1996 hanggang 1999).

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Para sa mga detalye, kontakin lamang ang tournament director na si Alex Dinoy sa numerong 0918-3705750 o 0922-8288510 o ang Visayas leg coordinator na si Odilon Badilles, 0933-6190210.

Maaaring makakuha ang registration form mula sa Shell website, www.shell.com.ph/shell_chess.

Ang laro ay isasagawa sa nine-round Swiss system tournament mula elims hanggang national finals sa oras na 20 minuto at mayroong five time-delayed mode (Bronstein system).

Gaganapin ang grand finals, tampok ang mga top finishers ng five regional elims at top female players sa bawat section sa Oktubre 1-2 sa SM Megamall. - Helen Wong