Ni JIMI ESCALA

Atty. Toto Villareal
Atty. Toto Villareal
NGAYONG nagbago na ng administrasyon at nakaupo na sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte ay inaasahang papalitan ang lahat ng appointees ni dating Pangulong Noynoy Aquino pero hindi raw sa kaso ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Eugenio “Toto” Villareal.

May mga lumitaw na pangalan na sinasabing papalit daw sa puwesto ng kasalukuyang MTRCB chief, pero wala yatang napili si Pres. Digong.

Ayon sa isang MTRCB board member na nakausap naming, malamang na magtuluy-tuloy pa rin sa panunungkulan si Atty. Toto. Katwiran niya, kapuri-puri naman daw kasi ang mga nagawa ng kasalukuyang MTRC chief at hindi raw ito kayang gampanan ng kung sinu-sino lang.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Sa totoo lang naman kasi ang position ng MTRCB chairman, eh, dapat diyan may magandang credentials, at may magandang legal background plus marunong makibagay at alam ang in and outs ng trabaho at hindi ‘yung kulang sa kaalaman,” sey ng kausap namin.

Halos lahat din daw ng mga taga-showbiz, lalung-lalo na ‘yung industry leaders ay umaasa na hindi na papalitan ni Pres. Duterte si Atty. Toto.

Samantala, ang ilan sa mga naging MTRCB chairman ay sina Armida Siguion Reyna, Manoling Morato, Henrietta Mendez, at ang pinalitan ni Atty. Villareal na si Sen. Grace Poe pagkatapos magdesisyon ang huli na tumakbong senador last 2013.