Inatasan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga pampubliko at pribadong higher education institutions (HEIs) na magbigay pa ng 6 hanggang 9 units na Filipino subjects sa kolehiyo.

Ito ay matapos ang halos isang taon na nang mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema hinggil sa implementasyon ng probisyon sa revised general education curriculum (GEC) na nag-aalis sa Filipino subject sa kolehiyo.

Sa memo na inilabas ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na may petsang July 18, nakasaad na dapat sundin ng university presidents, heads at officers-in-charge ang SC en banc Resolution na may petsang April 21, 2015, na nag-iisyu ng TRO sa planong alisin na sa pangkolehiyong curriculum ang Panitikan at Filipino subjects.

Ang nasabing memo ay itinuturing namang malaking tagumpay ng Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino. - Merlina Hernando-Malipot

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon