NOONG Hulyo 12, inilabas ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Hague ang pinakahihintay na desisyon sa reklamong iniharap ng Pilipinas laban sa China ukol sa West Philippine Sea (WPS).

Kinatigan ng desisyon ang karapatan ng Pilipinas sa WPS at ibinasura ang tinatawag ng China na “nine-dash line.” Ayon sa korte, walang basehan sa batas ang pag-aangkin ng China sa mga dako sa karagatan na nasa loob ng “nine-dash line.”

Ang higit kong napagtuunan ng pansin ay ang konklusiyon ng korte na nilabag ng Tsina ang soberenya ng Pilipinas dahil sa panghihimasok nito sa pangingisda at explorasyon sa langis sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas, pagtatayo ng mga artipisyal na isla at pagpapahintulot sa mga mangingisdang Tsino na mangisda sa loob ng exclusive economic zone.

Ito ay malaking tagumpay para sa Pilipinas. Binabati ko ang magagaling nating diplomatiko sa pangunguna ng dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagbunyi rin ang pandaigdig na komunidad, at nagkaisa sa pagsasabing ang desisyon ay malaking tagumpay para sa Pilipinas at sa pandaigdig na batas, at isang dagok naman sa pag-aangkin ng Tsina.

Gaya ng inaasahan, tinanggihan ng China ang pasya, at sinabing wala itong bisa. Hindi rin kinilala ng Tsina ang kapangyarihan ng PCA at hindi sumali sa arbitral proceedings na sinimulan ng Pilipinas noong Enero 2013.

Sa aking pananaw, ang desisyonng PCA ay makasaysayan at mahalaga sa ating istratehiyang pang-diplomatiko sa pagtatanggol sa ating teritoryo sa batay sa batas at kasaysayan.

Gayunman, naniniwala ako na sa gitna ng pagsasaya, kailangan tayong maging makatotohanan sa pagtingin sa epekto ng desisyon.

Una, mahirap ipatupad ang nasabing desisyon. Gaya ng sinasabi ng maraming dalubhasa sa batas na pandaigdig, walang pandaigdig na pulisya na maaaring puwersahin ang Tsina na igalang ang desisyon. Hindi rin maaasahan na basta na lamang isusuko ng Tsina ang pag-aangkin nito sa mga teritoryo sa WPS.

Dapat din nating ingatan na ang sitwasyon ay huwag humantong sa alitang military sa pagitan ng China at ng Pilipinas at iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya.

Sa aking pananaw, mahalaga na makita ang malaking larawan. Sang-ayon ako sa sinabi ni Counselor Jin Yuan na sa pagitan ng Pilipinas at China, mamalaging mas marami ang pag-asa kaysa sa hadlang, at ang pagkakasundo kaysa sa pag-aalitan. (Manny Villar)