Johnny Depp
Johnny Depp
BUMALIK na sa red carpet sa unang pagkakataon si Johnn Depp simula noong hindi magandang hiwalayanan nila ni Amber Heard. Nitong Linggo, isa ang aktor sa mga kilalang artista na dumalo sa annual Starkey Hearing Foundation Awards Gala sa St. Paul, Minn na nakalikom ng $9.5 million para magbigay ng hearing aids sa mga nangangailangan nito sa buong mundo.

Nagtungo sa arrivals line si Depp, na nakasuot ng black ensemble na may makukulay na mga scarf at kuwintas, pero hindi siya nagpakuha ng litrato na mag-isa. Sa halip, sumama siya kay Alice Cooper, ang kanyang bandmate sa Hollywood Vampires, at sa asawa ni Cooper na si Sheryl Goddard.

Nagbahagi ng kaunting pananalita ang musician-actor bago siya umakyat sa stage para magtanghal

“I’ve been lucky enough to play characters like Edward Scissorhands, Captain Jack Sparrow,” sabi niya. “My only sort of goal is of making someday a positive change.” 

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Inalala ni Depp ang kanyang karanasan sa Starkey charity event noong Mayo sa Portugal (na nangyari ilang oras oras matapos siyang akusahan ni Heard ng domestic violence), nang tumulong ang kanyang bandmates sa kumpanya para ayusin ang hearing aids para sa mga taong nangangailangan nito.

“It was an emotional experience, the instant change in a person’s face when they’ve only known silence,” sabi ni Depp. “It’s a gift, an incredible moment you never forget.” 

Ang partisipasyon ng Alice Through the Looking Glass star at ni Cooper sa gala ay ang pag-auction nila ng kanilang dalawang gitara na may autograph nila, na nagkakahalaga ng $60,000 bawat isa. Nakalikom din sila ng $50,000 sa naibentang authographed photo collage ni Muhammad Ali sa pro boxer na si Andre Berto.

Magpapatuloy ang mga public appearance ni Depp sa kabila ng drama kay Heard, na hiniwalayan niya noong Mayo pagkaraan ng 15 buwang pagsasama bilang mag-asawa. Nag-file ng divorce si Heard at inihayag sa korte na noong linggong iyon ay sinasaktan siya ni Depp verbally at physically habang nagsasama sila.

Ginugol din niya ang kanyang panahon sa tour kasama ang kanyang banda sa Europa. At noong nakaraang buwan, lumabas siya sa stage sa Comedy Store sa Hollywood noong set ng komedyanteng Mat Egar.

Samantala, patuloy pa rin ang legal woe niya kay Heard. Patuloy na inaasam ni Heard ang permanent restraining order, at silang dalawa ay hindi pa rin divorced. - Yahoo Celebrity