BERN, Switzerland (AP) – Magpapadala ng 109 na atleta ang Switzerland sa nalalapit ng Rio de Janeiro Olympics na layuning magwagi ng kahit limang medalya.
Ayon kay Team leader Ralph Stoecklim, magwawagi ng mas maraming medalya ang Swiss kung mananatili silang malakas sa kabuuan ng Rio Games.
Ito na ang pinakamalaking delegasyon ng Swiss Olympic team simula noong 1996 Atlanta Olympics kung saan nagpadala ang bansa ng 114 na atleta.
Kasama sa lineup ng Switzerland si dating tennis world No.1 Roger Federer, na sasabak sa kanyang ikalimang Olympics.
Matatandaang nagwagi sila ni Stan Wawrinka ng gintong medalya sa doubles noong 2008 Beijing Olympics, at muling magbabalik ang kanilang tennis duo sa Rio.
Ang silver medal ni Federer sa men’s singles ay isa sa apat na Swiss medals noong 2012 London Olympics.
Sa Rio, idedepensa nina Nicola Spirig ng triathlon at Steve Guedat ng equestrian jumping, ang kani-kanilang titulo na napagwagihan sa London. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)