Tim Duncan (AP)
Tim Duncan (AP)
SAN ANTONIO, Texas (AP) -- Nagpasalamat ang nagretirong Tim Duncan sa kanyang mga tagahanga at kasangga sa San Antonio Spurs sa isang bukas na liham na inilabas ng Spurs website nitong Lunes (Martes sa Manila).

Ito ang unang pagkakataon na naglabas ng pahayag ang 40-anyos na si Duncan matapos ipahayag ni Spurs coach Greg Popovich ang kanyang pagreretiro matapos ang 19 na season sa koponan na ginabayan niya sa limang NBA title.

“If asked to write a script for my career 19 years ago, there is no way I would’ve been able to dream up this journey,” pahayag ni Duncan, No.1 overall rookie pick ng Spurs noong 1997.

“I stand here at the end of this ride and look back in awe of what I’ve experienced. The wins and losses will be remembered, but what I’ll remember most are the people: The fans inside the arena and out, the staff and coaches who pushed me and held me together, the teammates (and even opponents) who will be lifelong friends, sharing my ups and downs with family and close friends, and, most importantly, the snapshots of my kids growing up and levering in watching Dad work.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Thank you to the city of San Antonio for the love and the support over these years. Thank you to the fans all over the world.”

Si Duncan, tubong Virgin Islands, ay nagwagi ng tatlong NBA Finals Most Valuable Player at dalawang regular season MVP.

Pinuri rin ni Duncan ng kanyang longtime coach na aniya’y humubog sa kanyang talento at pagkatao. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)