SA nagaganap na balasahan sa hanay ng mga pinuno ng Philippine National Police (PNP), marami sa mga tinamaang opisyal na gusto mang umapela ay mas minabuting manahimik muna para iwas na madarang sa umiinit na kalagayan. Sabi nga ng isa sa mga heneral na pulis sa Camp Crame na nakakuwentuhan ko: “Hayaan mo na sila, weather, weather lang ‘yan…sunod na lang muna tayo sa agos.”

Ang nakikita kong basehan kasi ngayon ng galaw sa mga senior officer ng PNP ay dapat na wala silang kahit katiting na S.I. (Summary of Information) o sa madaling-salita ay “tsismis” na nakisawsaw sila sa perang katas ng ilegal na droga at namantikaan na rin sila nito.

Bukod pa rito, siyempre, dapat ay may mataas ding score laban sa sindikato ng ilegal na droga ang isang nakaupong opisyal ng PNP bago pa man pormal nahalal si Pangulong Rodrigo R. Duterte para maging mataas ang kanilang tsansa na ‘di matanggal sa kani-kanilang puwesto.

Pero ang pinakasiguradong tiket para makasakay sa barkong ito ng PNP na tinitimon ng tandem nina Pangulong Duterte at Chief PNP Ronald “Bato” Dela Rosa—dapat ay MISTA ka ng naghaharing-uri ngayon sa mga kampong-pulis at militar sa buong bansa – ang Philippine Military Academy (PMA) Class 86.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Karagdagang TIP tungkol sa ilegal na droga mula sa ating mga mambabasa: Isang “Alias Arnel” at ilang kamag-anak pa umano nito na nakatira sa kalye Tayabas sa Tundo, Maynila ay “notorious” na tulak ng shabu sa lugar. Matagal na ito pero parang ‘di raw magalaw-galaw ng mga barangay at pulis doon.

Isang taga-kalye Quiricada naman, sa Tundo rin ito, ang nag-text na sobrang talamak na raw ang bentahan ng shabu sa kanilang lugar sa ‘di kalayuan sa may estero. Lantaran na nga raw ang abutan ng nilalakong naka-sachet na mga” bato” sa lugar.

Sa Philamlife Village sa Las Piñas City, ayon sa isang texter, dapat daw na sorpresahin na ipa-drug test ang mga tricycle driver, pati na ang mga opisyales ng kanilang asosasyon dahil sobrang dami raw ng adik sa grupo ng mga ito.

Sa Phase-1 ng Argana, Laram sa San Pedro, Laguna may lugar umanong ginagawang tiangge ng mga ilegal na droga at ang masama pa rito, karamihan daw sa mga tulak ng shabu sa kanilang lugar ay mga tanod pa ng barangay kaya’t untouchables din sila sa mga pulis.

Contact: Globe: 09369953459/Smart: 09195586950/Sun: 09330465012 o mag-email sa: [email protected]

(Dave M. Veridiano, E.E.)