Nagpahayag ang Chinese Embassy sa Manila ng buong suporta sa pagsugpo sa illegal na droga matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang kausapin ang China hinggil sa pagdami ng mga Chinese national sa bansa na nasasangkot sa illegal drug operations.

Sa inilabas na pahayag ng Chinese Embassy, sinabi ni Spokesperson Lingxiao Li na ang illicit drugs ay kaaway ng sangkatauhan at ang paglaban sa lahat ng krimen na may kaugnayan sa droga ay magkatuwang na responsibilidad ng lahat ng bansa sa mundo.

“China fully understands that the Philippine government under the leadership of H.E. President Rodrigo Duterte has taken it as a top priority in cracking down drug-related crimes.”

Binanggit ni Duterte ang kanyang obserbasyon na karamihan ng mga nahuhuling big time pusher sa bansa ay mga dayuhang mamamayan ng China.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binigyang-diin ng Embahada na wala itong kinikilingan sa usapin ng pagsugpo sa droga at mahigpit ang batas ng China ukol dito.

“The Chinese government has been firm and severe in drug control and in punishing all drug criminals in accordance with laws regardless their nationalities. The Chinese government has been promoting and has carried out effective international cooperation with many countries.”

Nagpaaabot din ang Embahada ng kahandaang tumulong sa pagtugis sa mga mamamayan nitong sangkot sa sindikato ng droga sa Pilipinas.

“China has expressed explicitly to the new administration China’s willingness for effective cooperation in this regard, and would like to work out a specific plan of action with the Philippine side,” paniniyak ng Chinese Embassy. - Marichelle Quitayen