AP CELINE DION PORTRAIT SESSSION A ENT USA CA

HANDA na si Celine Dion sa kanyang bagong album, ang una simula nang pumanaw ang kanyang asawa, na magtatampok ng kanyang collaboration sa French stars at magpapasigla ng lyricism, pahayag ng kanyang label noong Lunes.

Ang album na may pamagat na Encore Un Soir at ilalabas sa Agosto 26, bagamat inilabas na ni Dion ang title track noong Mayo – ay nangangahulugan na “One More Night” sa Ingles.

Inialay ng pop diva, 48, ang ballad sa kanyang yumaong asawa na si Rene Angelil, na pumanaw noong Enero dahil sa throat cancer sa edad na 73.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Inalagaan ni Angelil ang boses ni Celine noong bata pa lamang siya at naging musical guide at manager niya, ikinasal sila noong 1994 nang edad 26 ang Canadian superstar.

Ang kantang Encore Un Soir ay sinulat ni Jean-Jacques Goldman, ang pangunahing French pop star.

Sinabi ng Sony Music na ang album ay magtatampok din ng unang kantang sinulat ng dalawang kilalang French rockers na sina Francis Cabrel at Serga Lama.

 “Celine voluntarily chose uplifting themes that focused on life and positivity,” saad ng label sa isang pahayag.

Sasaliksikin din ni Dion ang kanyang Quebecois heritage sa kanyang cover sa Ordinaire ni Robert Charlebois, isang major artist ng French-speaking province.

Si Dion, na kumanta rin sa Ingles, ay nakapagbenta na ng 220 million albums, na naglagay sa kanya sa posisyon bilang most successful recording artists of all time.

Nasa tour si Dion na kabilang ang nine sold-out shows sa Bercy arena sa Paris pati na rin ang 10 concerts sa Montreal, lima sa Quebec City at dalawa sa Trois-Rivieres, Quebec, bago siya bumalik sa kanyang tahanan sa Caesars Palace sa Las Vegas. (AF)