Kinumpirma ni Creighton University basketball coach Greg McDermott ang pagpasok sa eskwelahan ni Pinoy cage sensation Kobe Paras nitong Lunes (Martes sa Manila).

Sa opisyal na pahayag na inilathala sa school website ng nasabing unibersidad, sinabi ni McDermott na lumagda sa isang kasunduan ang 6-foot-6 na si Paras para maglaro sa Bluejays.

Inilarawan ni McDermott si Paras na isang “versatile, scoring wing forward.”

May apat na taon para maging miyembro ng Bluejays ang 18-anyos na anak ni dating PBA MVP at Rookie of the Year Benjie Paras.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He’s extremely athletic and has good natural instincts for the game of basketball,” pahayag ni McDermott.

Nagdesisyon na sumapi sa Bluejays si Paras nang tanggihan ang kanyang aplikasyon ng UCLA dahil umano sa ‘academic’ issue. Ngunit, kaagad itong pinabulaanan ng Middlebrooks Academy kung saan siya nagtapos ng high school.

Namalagi si Paras sa Los Angeles upang maisulong ang pangarap na makapaglaro sa US NCAA Division 1. Nag-aral din siya sa Cathedral High School.

Pinangunahan ni Paras ang Team Philippines sa kampeonato sa Fiba Asia Under-18 3x3 championship noong 2013. Tinanghal siyang slam dunk king sa FIBA 3x3 championship noong 2015.