Sa Lunes, Hulyo 25, ilalahad ang susunod na State of the Nation Address (SONA), at muling idedetalye ng Presidente ang kasalukuyang kalagayan ng bansa, at ilalahad ang mga layunin at gagampanan ng administrayon para sa susunod na taon.
Ngunit sa taong ito, isang bagong pangulo ang mag-uulat sa bayan—si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bilang mga Pilipino, narito ang ilang impormasyon na dapat nating malaman tungkol sa mga nakalipas na SONA ng Pangulo:
*Sa Europa hiniram ng Unang Republika ng Pilipinas ang tradisyong parlamentaryo na ito.
*Si Pangulong Emilio Aguinaldo ang unang nagtalumpati noong Setyembre 15, 1898 ngunit hindi ito kinilala bilang SONA dahil pagbati lamang ito sa tagumpay ng Pulungan.
*Unang naisabatas ang SONA sa ilalim ng Jones Law noong 1916.
*Si Pangulong Manuel L. Quezon ang unang naghayag ng SONA noong Nobyembre 25, 1935.
*Si Pangulong Marcos din ang may pinakamahabang pahayag, na binuo ng 29,335 salita.
*Walang SONA simula 1942 hanggang 1944 dahil ang bansa ay nasa ilalim ng pananakop ng Japan.
*Bukod sa Panahon ng Hapon, wala ring inihayag na SONA si Pangulong Corazon Aquino noong 1986.
*Ang may pinakamaikling SONA ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na mayroon lamang 1,551 salita.
*Ang tanging SONA na ipinahayag nang buo sa Filipino ay ang una ni Pangulong Benigno Aquino III, noong Hulyo 26, 2010. (Malacañang.gov.ph)