Ipinag-utos kahapon ng Supreme Court (SC) sa lahat ng 955 regional trial court (RTC) sa bansa ang mas mabilis na pagresolba sa nakabimbing 128,368 kaso na may kinalaman sa droga.

Nangangahulugan ito na may karagdagang 240 RTC ang itinalaga upang litisin ang mga kaso ng droga, bukod pa sa 715 RTC na una nang itinalaga para sa nasabing mga kaso.

Sinabi ni Atty. Theodore O. Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, na kabilang dito ang mga kaso ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay Te, hinimok ni Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno si Justice Secretary Vitaliano Aquirre II “to appoint more prosecutors and public defenders for these additional courts so as not to delay these cases pending before these courts.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa 715 RTC na orihinal na itinalaga para sa mga kasong may kinalaman sa droga, 65 sa mga ito ay kinomisyon sa ilalim ng RA 9165; 529 na korte ang dinagdagan ang mga kasong dinidinig; at 121 ang tatayong family court para dinggin ang mga kinasasangkutan ng mga menor de edad.

“By its action today, the SC has effectively authorized all the 955 organized RTCs across the country to hear, try and decide drugs cases. Guidelines will be issued in relation to how these trial courts may expedite their handling of drugs-related cases especially in addition to their regular case loads,” ani Te. - Rey G. Panaligan