CAMILING, Tarlac – Kapwa nasugatan ang dalawang driver ng bus at 14 na pasahero matapos na magkabanggaan ang kanilang mga sasakyan sa panulukan ng Burgos at Romulo Streets sa Barangay Poblacion A sa Camiling, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO1 Maximiano Untalan, Jr., nagkasalpukan ang pampasaherong Cisco Bus (ABG- 5603) na minamaneho ni John Novero, 37, may asawa, ng Burgos, Pangasinan; at ang Dagupan Bus (ABE-2906) na minamaneho naman ni Ruel Alcantara, 41, may asawa, ng Rosario, La Union.

Sugatan din sina Fausta De Mayo, 29, ng Bgy. Palimbo, Camiling; Abner Brigemo, 32; Marlon Verlencerina, 22; Jay Castro, 40; Rommel Rosario, 42; Jose Acosta, Jr., 39; Melissa Bravo, 26; Alfredo Austria, Jr., 28; Remegel Bristol, 24; Mesug Mama, 49; Angelita Fernandez, 58; Teresita De Quintos, 60; Hampde Lomong Calob, 28; at Tita Cruz, 77, pawang taga-Pangasinan.

Dakong 2:58 ng umaga, bumabagtas ang Cisco Bus sa Camiling Bridge nang aksidente itong nabangga ng Dagupan Bus kaya bumulusok ang una sa umbrella tree at bumalandra sa kalsada ang Dagupan Bus. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito