Ipinangako kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga informal settler sa buong bansa na walang gagawing demolisyon ang pamahalaan hangga’t walang nakahandang relokasyon sa mga pamilyang maaapektuhan.

Sa Fellowship of Bedans batch 71-72 kasama ang nationwide legal coordinators na ginanap sa Heroes Hall Malacañang Palace, sinabi ng Pangulo na hindi siya papayag na sirain ang bahay ng isang pamilya nang wala silang tiyak na mapupuntahan.

“During my time and during my time, there will be no demolition ‘pag walang relocation. Hindi ako papayag. Kasi ‘yung walang mapuntahan, sirain mo ang bahay, parang aso. E saan pupunta ‘yung mga tao? Where will they find another shelter?” ayon sa Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na maghahanap muna siya ng pera para ipangpondo sa relokasyon ng mga mawawalan ng tahanan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kailangang maisaayos ang economic condition sa Pilipinas para maging kapaki-pakinabang sa lahat lalo na sa mga mahihirap,” pahayag pa ni Duterte. (Beth Camia)