KAAGAD na naging katanggap-tanggap sa gobyerno ng China ang pagpapadala ni Pangulong Rodrigo Duterte ng special envoy sa naturang bansa upang magsagawa ng bilateral negotiations hinggil sa paglutas ng South China Sea issue. Nagpalabas kamakailan ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration (PGA) na pumapanig sa Pilipinas kaugnay sa pagmamay-ari ng pinag-aagawang West PH Sea – isang desisyon na tila hindi matanggap ng Beijing.

Mismong tagapagsalita ng Chinese foreign ministry ang nagpahayag na ikinalugod ng nabanggit na bansa ang pagpapadala ng sugo na makikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Beijing; tatalakayin ang masalimuot na isyu sa pamamagitan ng pag-uusap at hindi ng arbitration o pagpapahatol sa isang tagapamagitan.

Maliwanag na ito ang dahilan kung bakit buong paggalang na pinakiusapan ni Pangulong Duterte si Pangulong Fidel Ramos upang maging envoy o sugo ng Pilipinas sa pakikipagtalastasan sa China. Hindi pa maliwanag kung tinanggap ng dating Pangulo ang naturang alok. Gayunman, naniniwala ako na hindi niya tatalikuran ang isang makabayang misyon na lagi niyang ipinaglalaban, lalo na noong kanyang panunungkulan bilang ama ng ating Republika.

Marami nang pagkakataon na napatunayan ang pambihirang kakahayan ni FVR sa larangan ng diplomasya; sa pakikipagtalastasan sa mga lider ng iba’t ibang bansa sa daigdig. Personal kong nasaksihan ang ganitong kakayahan ng dating Pangulo, bukod sa katotohonan na nananalaytay sa kanyang kaibuturan ang pagiging isang lantay na diplomatiko. Ang kanyang ama—si Don Narciso Ramos—ay eksperto sa Foreign Affairs; gayundin ang kanyang nakababatang kapatid – si Leticia Ramos Shahani – na naging embahador din at dating DFA Secretary.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gayunman, hindi marahil isang kalabisang iminungkahi na isama ni FVR sa kanyang delegasyon ang mga kilalang Taipan na maaaring katanggap-tanggap sa Beijing. Kabilang dito, halimbawa, ang mga haligi ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Filipino-Chinese Business Club at Filipino-Chinese General Chamber of Commerce. Ang mga opisyal ng naturang mga organisasyon ay makatutulong nang malaki sa pagtalakay ng mga paksa na may kinalaman sa ekonomiya at pagnenegosyo ng Pilipinas at ng China.

Maaaring magagampanan ni FVR nang buong husay ang pagiging isang special envoy; subalit lalong mabuti kung katuwang niya ang isang power house delegation. (Celo Lagmay)