Magandang balita sa mga consumer sa bansa.

Asahan na ang pagbaba ng presyo ng mga de-latang pagkain at iba pang pangunahing bilihin sa mga susunod na linggo, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) kahapon.

Bababa ng 40 sentimos ang presyo ng sardinas, 26 na sentimos sa corned beef, 29 na sentimos sa evaporated milk, 40 sentimos sa condensed milk, 30 sentimos sa powdered milk, 31 sentimos sa bawat pakete ng kape, 8 sentimos sa noodles, at P26.46 naman ang rollback sa presyo ng harina.

Napapanahon na umano upang ipadama sa mga consumer ang epekto ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan kung saan malaki ang natipid ng mga manufacturer, distributor at retailer sa pagbibiyahe ng kani-kanilang produkto sa mga merkado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakatakdang makipagpulong ngayong linggo ang DTI sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para sa napipintong pagbaba ng poultry products, gulay, at isda.

Kinumpirma ni DTI Undersecretary Victor Dimagiba na sa mga nakalipas na buwan, lumitaw na mas mababa na ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaysa sa itinakdang suggested retail price (SRP) dahil sa magandang kompetisyon sa retail market sa bansa.

Samantala, inilunsad ng DTI ang “E-presyo” friendly application na makatutulong at magbibigay-saya sa mga consumer sa kanilang pamimili dahil makikita rito ang presyo ng mga produktong nais bilhin sa mapipiling tindahan at maaaring ikumpara sa ibang tindahan para mabatid kung saan mas makatitipid.

Ang E-presyo app ay maaaring i-download sa mga android phone sa pamamagitan ng google at playstore. (Bella Gamotea)