SEOUL (AFP) – Nagsubok bumaril ang North Korea ng tatlong ballistic missile noong Martes, sa lalong pagsuway sa international community at tila sagot sa nakaplanong deployment ng US defence system sa South.
Dalawang SCUD missile ang lumipad ng 500 at 600 kilometro sa Sea of Japan, habang ang ikatlo, pinaniniwalaang isang Rodong intermediate range ballistic missile, ay ibinaril makalipas ang isang oras.
Agad na kinondena ng United States at Japan ang paglulunsad, at sumumpa ng coordinated response sa paulit-ulit na paglabag ng Pyongyang sa mga sanction ng UN na nagbabawal ditong magsubok ng mga armas.