HABANG bumibiyahe sa Maynila sakay sa kanyang bagong Toyota, mainit ang ulo ng Uber driver na si Daniel Canezal. Hindi ito dahil sa init ng panahon, dumi, o traffic sa baradong lansangan ng kabisera—ito ay dahil sa mabagal na serbisyo ng Internet na nagpapahirap sa kanyang buhay.

Simula nang mairehistro niya ang kanyang sasakyan sa ride-hailing app ngayong taon, hindi na mabilang ng 61-anyos ang dami ng napalampas niyang biyahe dahil sa hindi maayos na smartphone network sa pagharap ng isa sa pinakamabibilis umunlad na ekonomiya sa Asia sa problema nito sa isa sa may pinakamabagal na Internet sa rehiyon. “Ayusin nila ang serbisyo nila, nakakahiya,” sabi ni Canezal.

Malapit na itong magbago, ayon sa mga operator ng dalawang network sa bansa na Philippine Long Distance Telephone Co (PLDT) at Globe Telecom Inc. Pagkatapos ng $1.5 billion na kasunduan noong Mayo para bumili ng prized mobile spectrum mula sa isang potensiyal na kalaban, inihayag ng dalawang kumpanya na plano na nilang mamuhunan ng milyun-milyong dolyar para mapabilis ang kanilang serbisyo.

Ngunit mula sa mga Uber driver hanggang sa mga negosyanteng elitista, nagrereklamo ang mga gumagamit ng Internet na sawa na sila sa ubod ng bagal na serbisyo ng dalawa, na sa nakalipas na mga dekada ay may pagkakataong magtatag ng maaasahang web service. Hiniling na ng mga namumuno sa industriya kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang web—o harapin ang panganib sa pananamlay ng masiglang ekonomiya na ipinangako niyang pananatilihin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi nagsayang ng oras ang diretsong magsalita na si Duterte at nagbantang padadaliin ang mga patakaran at bubuksan ang industriya sa mga banyagang telecoms company kung kakailanganin. “Improve the service or I will open the Philippines for competition,” babala ni Duterte sa PLDT at Globe noong Mayo.

Malinaw ang pangangailangan sa mas mabilis na serbisyo: Ang merkado ng Pilipinas na may 100 milyong katao ay nasa ika-21 puwesto mula sa 22 Asyanong bansa pagdating sa bilis ng Internet, ayon sa pag-aaral ng data analytics firm na Ookla—at kasunod natin ang Afghanistan.

Inihayag ng PLDT at Globe na ang kanilang hakbanging magkasamang bilhin ang kabubukas na telecoms business ng San Miguel Corp.—na biglang bibilis ng premium 700-megahertz spectrum na babagay sa 4G services—ay kinakailangan para masimulan na ang pagpapabuti ng serbisyo sa Internet.

Ngunit dahil kontrolado ng PLDT at Globe ang 57 porsiyento at 43 porsiyento ng wireless market, naniniwala ang mga may pag-aalinlangan na ang kasunduan ay mas magpapatibay sa kanilang pagdomina sa merkado na kumikita ng halos $6 billion kada taon, epektibong itinataas ang pamantayan para sa mga potensiyal na makikilahok.

Ang pinag-isang kasunduan ng PLDT at Globe—ang pinakamalaking nakamit ng bansa sa loob ng nakalipas na tatlong taon—ay ginawa matapos ang bigong pagtatangka ng Telstra Corp. ng Australia na makapasok sa Pilipinas sa pakikipagkasundo nito sa San Miguel. Sinabi ng Telstra na nabigo ang kasunduan dahil sa mga hindi napagkasunduan na komersiyal na tuntunin.

“It’s one thing for PLDT and Globe to say they will improve service, it’s another thing for them to provide that,” sabi ni Mary Grace Santos, isang researcher sa Information and Communications Technology think tank LIRNEasia.

“The consumers will definitely lose, the economy will also suffer,” sabi ni Santos. “We really need to shake things up.”

“It is incumbent upon the government entities to rid the bureaucracy, the red tape that plagues us,” sinabi ni Cu sa mga mamamahayag nang ihayag ang kasunduan noong Mayo.

Samantala, sinabi ng mga kostumer na nakadepende sa Internet na mas nag-aalala sila sa nalulugi sa kanilang negosyo kaysa halagang ibinabayad nila sa serbisyo ng telecoms. “It’s common for online customers to abandon an e-commerce transaction if it takes so long to load a page,” sabi ni Jacqueline Van Den Ende, ang namumuno sa online property broker ng bansa na Lamudi. (Reuters)