Isinusulong ngayon sa Senado ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga tatayong pekeng testigo at kasabwat ng mga ito.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, karamihan sa mga sangkot nito ay ang mga tauhan ng gobyerno na nagbubulid ng kasinungalingan para lamang maidemenda ang mga taong nais nilang idiin sa anumang kaso.

Sinabi ni Lacson na personal niya itong naranasan noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan napilitan pa siyang magtago dahil na rin mga maling akusasyon.  

 “This pernicious practice is aimed not only to harass innocent persons but also to put them behind bars and make their families suffer. It is noteworthy that because of these untruthful and inconsistent statements, we have witnessed how some men were robbed of their youth and freedom for a long period of time only to be freed later on account that the reason for their incarceration was based on a ‘polluted source,’” nakasaad sa Senate Bill 253 na isinampa ni Lacson.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

 

Aniya sakaling mapatunayan na imbento lamang at peke ang mga tatayong testigo, pagmumultahin ng P1 milyon ang mga ito, pati na ang kanilang mga kasabwat, bukod pa sa diskwalipikasyon sa mga tanggapan ng gobyerno. (Leonel Abasola)