SYDNEY (AFP) – Ibinunyag ni dating Australian prime minister Kevin Rudd Monday na nais niyang maging kapalit ni Ban Ki-moon bilang susunod na UN secretary general, at hiniling sa Canberra na iendorso ang kanyang nominasyon.

Dumarami ang mga kandidato na nagpahayag ng interes na maging top diplomat ng mundo, kabilang na si UNESCO chief Irina Bokova ng Bulgaria at dating New Zealand prime minister at pinuno ng UN Development Programme na si Helen Clark.

Ang Mandarin-speaking na si Rudd, nakabase sa New York bilang pinuno ng policy institute na Asia Society, ay nagsilbing Labor prime minister mula 2007 hanggang 2010 at muli noong 2013.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture