“PINAGBANTAAN kitang papatayin,” wika ni Pangulong Digong kay Peter Lim. “Alam mo, papapatay kita kung mapapatunayan na ikaw si Peter Lim, alyas ‘Jaguar’ na nagpapatakbo ng ilegal na droga ng Triad dito sa rehiyon ng Visaya,” dagdag pa ng Pangulo. Harapan itong sinabi ng Pangulo nang sadyain siya ni Lim sa Davao City para linisin umano ang kanyang pangalan. Nauna rito, habang nasa ibang bansa si Lim, sinabi ng Pangulo na papatayin niya ito pagdating na pagdating niya sa ating bayan.

Hindi kasing-palad ni Lim ang limang PNP general na pinangalanan ng Pangulo na mga protektor ng ilegal na droga.

Lalong hindi kasing-palad ni Lim ang mga napatay na ng mga pulis dahil daw sa sangkot ang mga ito sa droga. Kasi, binigyan si Lim ng pagkakataon ng Pangulo na makausap siya at patunayan niya na hindi siya si Peter Lim na sinasabing isa sa mga pinakamalaking drug lord na nagtutulak ng droga ng Triad sa bansa.

“Ang due process ay sa korte lang, hindi ako korte.” sabi ng Pangulo. Ito ang reaksiyon niya sa batikos ni Sen. Leila de Lima na labag sa due process ang ginagawang pagpatay ng mga pulis sa mga umano’y nagtutulak ng droga. Hindi na sila aniya nabibigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang due process ay walang pinipiling tao at panahon. Sa bawat pagkakataong hindi mo nagustuhan ang ginawa ng kapwa mo, may balak ka man o wala na pagbayarin siya sa kanyang ginawa, hinihingan mo muna siya ng paliwanag bago ka magpasiya. Ito ang makatwiran at makatarungang proseso. Sa demokratikong lipunan na siya nating ginagalawan, karapatan ng kahit sino na pinapanagot mo ng paglabag sa batas na siya ay litisin muna upang ipaalam ang bintang at ebidensiya laban sa kanya. Pagkatapos niyang maibigay ang kanyang panig saka lang siya hahatulan.

Sa kampanya ni Pangulong Digong laban sa droga, binaligtad niya ang lahat ng patakaran. Ang mga dukha at maliliit na umanong nagtutulak ng droga ay pinapatay ng mga pulis na hindi nakapagpapaliwanag. Ang laging katwiran ay lumaban sila o kaya nabaril sila sa engkuwentro. Dahil mahirap nga sila, walang pagkakataon na nakausap nila o kinausap sila ng Pangulo. Si Lim na isang mayamang negosyante ay binigyan ng pagkakataon ng Pangulo na makapagpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patayin nito dahil hindi siya ang Peter Lim na bahagi ng banyagang Triad na nagtutulak ng droga sa bansa. Due process ito sa gubat ng tigre at leon na nanila ng kanilang mahihinang biktima. (Ric Valmonte)