Bilang bahagi ng paghahanda para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagpulong sa mga opisyal ng Kamara ang mga kinatawan nito kasabay ng isinagawang inspeksiyon.

Sa Hulyo 25, ang petsa ng pagsasagawa ng SONA kaya naman nag-inspeksiyon na kahapon sa Batasan Complex sina Communications Secretary Martin Andanar at ang premyadong film director na si Brillante Mendoza.

Si Mendoza ang personal choice ni Duterte para magsilbing direktor ng SONA coverage.

Sa weekend, papayagan na ang mga media network na magtayo ng kanilang mga pasilidad para hindi na maging sanhi ng abala sa mismong araw ng SONA.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ipinaalala ng Malacañang na tanging ang mga accredited na technical personnel at media representatives ang papayagang makapasok sa Kamara sa bisperas ng pag-uulat sa bayan ni Pangulong Duterte bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.

(Beth Camia)