Ipinanunukala ng isang kongresista ang paglikha ng departamento ng pamahalaan na ang tanging pagtutuunan ng pansin ay ang mga pangangailangan at kagalingan ng overseas Filipino workers (OFW).

Inihain ni Rep. Arthur C. Yap (3rd District, Bohol) ang House Bill 822, na magtatatag sa Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).

Binanggit niya ang maraming paghihirap at pang-aabuso na nararanasan ng mga OFW sa ibang bansa kung kaya’t kailangan ang isang departamento na magtutuon ng pansin sa kanilang kalagayan. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'