TROON, Scotland (AP) – Walang mali ang bawat galaw ni Phil Mickelson. Ngunit, halos perperkto ang tirada ni Henrik Stenson sa krusyal na sandali ng British Open.
Sa huli, isang kahanga-hangang birdie sa layong 20 talampakan ang nagbigay kay Stenson ng record-tying 8-under 63 para makumpleto ang pinakamatikas na closing round at angkinin ang kampenato sa British Open nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Naitala ni Stenson ang kabuuang 10 birdie, tampok ang 50-foot putt sa No.15 para makuha ang inaasam na bentahe at momentum laban sa two-fay leader na si Mickelson.
Sa naiskor na 63, napantayan niya ang nagawa ni Johnny Miller sa Oakmont.
“Right now I’m running on adrenaline. But there will be some point when I’ll struggle to make it up the stairs when I get back to the house,” pahayag ni Stenson.
Sa ika-11 pagkakataon sa major, muling naging runner-up ang American. Ngunit, ito ang pinakamasakit na kabiguan para sa kanya.
“It’s probably the best I’ve played and not won,” pahayag ni Mickelson, umiskor ng course-record 63 sa opening round.
“I think that’s probably why it’s disappointing in that I don’t have a point where I can look back and say, ‘I should have done that or had I only done this.’ I played a bogey-free round of 65 on the final round of a major. Usually, that’s good enough to do it, and I got beat. I got beat by 10 birdies,” aniya.
Naunsiyami ang pag-akyat sa pedestal ni Mickelson sa natipang pinakamatikas na round sa kasaysayan ng major tournament sa nakalipas na 156 na taon.
Naitala rin ni Miller ang 10 birdie sa final round para makopo ang 1973 US Open title.
Tinapos ni Stenson ang laban na may kabuuang 264, isang shot ang abante sa dating record para sa 72-hole scoring ni David Toms noong 2001 PGA Championship sa Atlanta Athletic Club.