Laro ngayon (Philsports Arena)

6 n.g. -- Air Force vs Pocari Sweat

 

Pocari Sweat celebrates after beating Philippine Air Force in the 2nd game of Shakey's V League Open Conference Season 13 Finals at the PhilSports Arena in Pasig CIty on Saturday. MB PHOTO / KEVIN DELA CRUZSa labanang wala nang bukas, tiyak na ibibigay na lahat ng magkatunggaling Philippine Air Force at Pocari Sweat ang lahat pati pamato’t panabla para makamit ang titulo ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference ngayong sa winner-take-all Game Three, sa Philsports Arena sa Pasig City.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Matapos walisin ng Jet Spikers noong Game One, bumawi ang Lady Warriors sa Game Two sa impresibong 17-25, 25-22, 25-14, 25-20 panalo nitong Sabado para maipuwresa ang Game Three.

Ganap na 6:00 ng gabi, ang muling pagtatapat ng dalawang koponan na kapwa naghahangad ng kani-kanilang unang titulo sa liga.

Hindi bumigay kahit nabugbog sa unang set, binalikan ng Lady Warriors ang Jet Spikers at winalis ang sumunod na tatlong set upang itabla ang serye.

“I told them to just have one good receive para mawala yung momentum sa kanila,” pahayag ni  Pocari coach Rommel Abella.

“Paalala ko, composure is the key. Kung mananalo kami ngayon, composure talaga ipinanlaban namin,” aniya.

Ang nasabing composure ang muling sasandigan ng tropa ni Abella sa pangunguna ng mga beterano niyang manlalaro na sina Michelle Gumabao, Myla Pablo, Melissa Gohing, Gizlle Sy, Desiree Dadang  at Elaine Kasilag.

 “Everyone did their part, we worked as a team – that was what we did a while ago and that’s what we’re going to do more of on Monday. Before today, we’ve never beaten them. Kailangan namin sila talunin not just for the championship but also for ourselves,” sambit ni Gumabao.

Hindi naman nalalayo ang gustong mangyari ni coach Jasper Jimenez sa kanyang koponan sa do-or-die game.

“Naubos kaagad ‘yung energy ng team. Siguro sobrang excited noong first set, akala nila pag nakuha nila ‘yun okay na. Best of five set tayo rito,” aniya.

Muli, aasahan ni Jimenez upang bumawi para sa Air Force sina Judy Caballejo, May Ann Pantino, Joy Cases, Jocemer Tapic at Wendy Semana. - Marivic Awitan