KINANSELA ni Rihanna ang kanyang nalalapit na concert sa Nice, France matapos ang terror attack noong Huwebes ng gabi na kumitil sa 84 katao at sumugat sa mahigit 100.

Nasa Nice ang 28-year-old singer nang mangyari ang pag-atake, pero kinumpirma ng kanyang rep sa Billboard na siya ay ligtas.

Kinumpirma ni Christian Estrosi, presidente ng PACA region ng France at dating mayor ng Nice, ang balita na kinansela ang concert ni Rihanna, at pati na ang Nice Jazz Festival.

Ang Work concert ng singer, ay gaganapin dapat noong Biyernes ng gabi sa Alianz Stadium, ang kasunod na European stop ng kanyang Anti World Tour. Ang susunod na concert niya ay nakatakda sa Linggo sa Frankfurt, Germany.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Inihayag ni Rihanna ang kanselasyon sa kanyang Instagram post, at ibinahagi na, “Our thoughts are with the victims and their families.”

Noong Huwebes, minaneho ng isang lalaki ang malaking truck patungo sa mga taong nagtipun-tipon para ipagdiwang ang Bastille Day at manood ng fireworks. Ang driver, na binaril hanggang sa mamatay ng mga pulis, ay nabalitaan na may dalang mga baril at pampasabog sa loob ng sasakyan, ayon sa CNN.

Kinondena ni Presidente Barrack Obama, kasama ng iba pang celebrities at politicians, ang nakakatakot na pag-atake at nagbigay ng suporta sa mga taong apektado ng insidente.

“Our thoughts and prayers are with the families and other loved ones of those killed, and we wish a full recovery for the many wounded,” sabi ni Obama sa isang pahayag. “We stand in solidarity and partnership with France, our oldest ally, as they respond to and recover from this attack.” (ET Online)