WALANG nakaligtas sa larong Pokemon Go, maging ang mga personalidad sa Hollywood.
Nakikisali sa fans ang mga artista, atleta at musikero sa Hollywood sa paghahanap ng pokemon creatures. Ilan sa kanila sina Ellen DeGeneres, Chrissy Teigen, Demi Lovato, Steve Aoki at Soulja Boy, na ipinakita sa kanilang social media accounts ang laro.
Hindi ikinaila ng NBA player na si Karl-Anthony Towns na hawak niya ang kanyang smartphone noong Miyerkules ng gabi sa ESPY Awards upang maghanap ng cute pokemon monster.
“I played it coming here, and I haven’t taken my phone out to play it yet, but I’ll be very upset if I missed a Pikachu around here,” sabi ni Towns.
Nagmula ang larong Pokemon Go sa Niantic Inc. bilang smartphone game na nagbigay ng pagkakataon sa mga naglalaro nito na mabisita ang ilang lugar upang maghanap ng pokemon creatures na makikita sa kanilang cell phone screen.
“I’m killing it,” wika ni snowboarder Chloe Kim sa ESPYs. “I was in Oregon recently, and we stayed in a really small town, spent the whole day walking around catching Pokemon because it was raining, so we couldn’t do anything. It was so fun.”
Inamin naman ni Andre Braugher na hindi pa siya nagla-log in sa laro mula nang i-download niya ito.
“I think it’s because billions of other people around the world are trying to do the same thing and they just don’t have the capacity,” ayon kay Braugher. “My son was able to get on and is catching Pokemon right now. I’m a little jealous.”
Binigkas ni Better Call Saul star Bob Odenkirk ang mga pagkakapareho ng Pokemon Go sa kanyang 1997 skit comedy sketch series na Mr. Snow, na tungkol sa dalawang Amerikano na kinukumpleto ang kanilang hinahanap sa Anne Frank House.
Samantala, hiniling ng U.S. Holocaust Memorial Museum, Arlington National Cemetery at iba pa na huwag silang isama sa ilang lugar na maaaring paghanapan ng pokemon monster.
“Oh, people will stop playing it in about six weeks,” hula ni Odenkirk. “I haven’t played it. I’m more of a news junkie than a ‘Pokemon’ junkie.”
Ayon kay Downtown Abbey executive producer Gareth Neame, naniniwala siya na dapat ay tinanggap na ng Crowley family ang laro noong isang linggo pa, tulad ng pagtanggap nito sa refrigerator at radyo.
“I guess any adventurous and addictive entertainment would probably be something they’d embrace,” sabi ni Neame.
Tinawag na fascinating ni Star Wars: The Force Awakens filmmaker J.J. Abrams ang laro, pero sinabing hindi siya sugapa sa paghahanap ng Ponyta at Charmander.
“I’m not actively playing,” amin ni Abrams. “I had to try it out because I’m a human being who has kids.”
Para naman kay Tony Robbins ng Tony Robbins: I Am Not Your Guru, ang Pokemon Go craze ay mag-iiwan ng bakas sa paghahalo ng augmented at virtual reality mediums.
“It is wild, the world that we’re entering into,” ayon kay Robbins. “’Pokemon’ is a cartoon by comparison. When the real stuff hits, you’re going to see how popular it’s going to be.” (Isinalin ni Helen Wong)