Iminungkahi ni Senador Antonio Trillanes IV sa gobyerno na kumpiskahin ang tinatawag na Hacienda Binay sa Batangas, at gamitin ito bilang drug treatment and rehabilitation facility.

Aniya, ibu-libong gumagamit ng ilegal na droga ang sumuko sa awtoridad, ngunit maliba sa monitoring sa mga ito ay wala pang konkretong programa at pasilidad ang gobyerno upang tuluyang magamot ang mga ito upang matiyak na hindi sila babalik sa kanilang bisyo.

Sinabi pa ni Trillanes na magiging makabuluhan ang kontrobersiyal na hacienda kung magiging sentro ito ng rehabilitasyon dahil ito sa kagamitan.

Matatandaang isa ang lugar sa mga naging isyu sa pagdinig ng Senado sa mga anomalyang kinasasangkutan ni dating Vice President Jejomar Binay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Sa mga ginawang pagdinig ng Senado ukol sa mga anomalyang kinasasangkutan ni dating VP Binay, natalakay na ang 350-ektaryang lupa na sinasabing pag-aari ni VP Binay ay ilegal niyang nakuha at labag sa kasalukuyang batas sa repormang agraryo. Marapat lang na umaksiyon ang gobyerno rito at kumpiskahin ang nasabing lupain, at pakinabangan ito sa pamamagitan ng paggamit rito bilang isang treatment at rehabilitation facility,” ani Trillanes. - Leonel Abasola