Sinabi ng Asian Development Bank noong Lunes na ibinaba nito ang 2016 growth forecast ng mga umuunlad na ekonomiya sa Asia and the Pacific sa 5.6 porsiyento, mas mababa kaysa naunang forecast na 5.7%, ngunit idinagdag na mananatiling solido ang performance ng mga ekonomiya at makatutulong upang mapunan ang malambot na ekonomiya ng U.S. at ang market shocks sa pagboto ng Britain na kumalas sa European Union.

Nakasaad sa ulat ng Manila-based lender na hindi magbabago ang growth forecast para sa 2017 na 5.7% na ginawa noong Marso. (AP)
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'