SA ating bansa, ang urban development ay isa sa mga isyu na kailangang bigyan ng atensiyon ngayon.

Hindi lamang pag-unlad at job creation ang dapat pagtuunan ng pagsusulong ng urban development sa ating bayan, kailangan din nating bigyang-atensiyon ang kapaligiran at sustainability ng ating mga siyudad.

Mabilis ang paggalaw sa mga urban area sa ating bansa. Ang populasyon sa mga lugar na ito ay lumalaki habang tumatakbo ang panahon. Mas mabilis pa sa mga rural areas ang paglaki ng populasyon kumpara sa mga siyudad. Sa katunayan, ang ating urban population ay halos kalahati na ng buong populasyon ng bansa. Base sa census noong 2010, nasa 45.3 porsiyento ng ating kabuuang bilang ang ating urban population. Noong 2007, ang lebel ng ating urbanisasyon ay nasa 42.4%.

Ayon pa sa opisyal na datos, may apat na rehiyon sa ating bansa kung saan ang urban population ay mas mataas pa sa lebel ng urbanisasyon ng buong bansa. Ito ay ang Region III, Region IV-A, Region XI, at Region XII. May siyam na probinsya rin na ganito ang sitwasiyon. Nangunguna rito ang Rizal na 92.7% ang urban population, Laguna na may 71.9%, at Bulacan na may 70.9%.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang mataas na populasyon sa mga nasabing lugar ay hindi lamang dahil sa birth rate, kapanalig. Ito rin ay dahil sa in-migration at reklasipikasyon ng mga local government unit. Ang mataas na urban population ay malaki ang implikasyon sa sustainability ng ating mga siyudad. Ayon nga sa pagsusuri ng Asian Development Bank (ADB) noong 2013, maraming siyudad sa ating bansa ang nakararanas ng mga problema gaya ng pagsisikip ng daloy ng trapiko, mababang kalidad ng buhay, at mabilis na paglaki ng urban poor communities. Maaari pa itong lumaki ng hanggang 67% pagsapit ng 2030.

Ang rural development ay isa mga mabisang tugon sa isyu na ito. Habang naiiwan ang kapakanan ng mga mamamayan sa kanayunan, mas marami sa kanila ang lilipat sa mga urban area upang makahanap ng mas magandang buhay. Kailangang mabigyan ng mas malawak na oportunidad para sa trabaho at kabuhayan ang ating mga mamamayan sa mga kanayunan.

Ang pagpapaunlad sa mga sektor ng sakahan at pangingisda ay isang paraan upang maibsan ang paghihirap ng marami nating kababayan sa mga kanayunan. Sa ngayon, napakaliit ng arawang kita ng mga magsasaka at mangingisda. Ayon sa opisyal na datos, aabot lamang sa P156.8 hanggang P178.43 kinikita ng magsasaka at mangingisda sa bayan.

Dito mas nagiging matingkad ang pangangailangan para sa “preferential option for the poor”, isa sa mahahalagang panlipunang turo ng ating Simbahan.

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)