Walang ibibigay ang Pilipinas sa China sa pagsisikap na maipatupad ang desisyon ng international tribunal laban sa pang-aangkin ng Beijing sa halos buong South China Sea, sinabi ng pinakatamaas na abogado ng pamahalaan nitong Biyernes.

Nagdesisyon ang UN-backed tribunal noong Hulyo 12 laban sa China ngunit ibinasura ng Beijing ang desisyon, nagbabala ng ‘’decisive response’’ sa mga panggagalit laban sa security interests nito batay sa hatol.

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ng gabi na ipadadala nito si dating pangulong Fidel Ramos sa China para simulan ang mga pag-uusap sa hatol ng The Hague-based Permanent Court of Arbitration.

Idiniin ni Solicitor General Jose Calida na hindi magkakaroon ng kompromiso sa China.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

‘’We value the award given by the (tribunal), and the Philippines will not concede any of the awards given to us,’’ sabi ni Calida, gamit ang legal term para sa desisyon.

Napatunayan ng tribunal na walang legal na batayan para sa sinasabing makasaysayang karapatan ng China sa mga likas na yaman sa nasabing mga lugar na sinasakop ng nine-dash line nito, batay sa isang malabong mapa na lumutang noong 1940s.

Sinasakop ng nine-dash line ang mga tubig na inaangkin din ng Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

‘’We will use diplomacy. I believe this is the most peaceful way of settling this,’’ sabi ni Calida, idinagdag na hindi nagbigay ng timeframe si Duterte para sa pagtatamo ng mga resulta.