Nagkasya lamang ang International Little League Association of Manila (ILLAM) at Sarangani sa tansong medalya, habang naiuwi ng Korea at Australia ang gintong medalya sa pagtatapos kahapon ng 2016 Asia Pacific Regional Baseball Tournament, sa Clark International Sports Complex-The Villages sa Mabalacat, Pampanga.

Tinalo ng ILLAM ang naagawan ng korona na Commonwealth of Northern Marana Island, 7-3, sa Senior League kung saan nagtapos na 1-2 ang Australia at Guam habang naitakas naman ng Sarang ani ang 13-12 decision sa HongKong sa Intermediate League.

Kampeon ang Korea sa naturang dibisyon nang gapiin ang Japan.

Pinulbos ng Australians ang Guaminians, 10-0, para sa unang AsPac senior league crown para sa kauna-unahang pagkakataon na makalaro sa Senior League Baseball World Series na gaganapin sa Bangor, Maine sa Hulyo-31 hanggang Agosto 6, samantalang binokya ng Koreans ang Japanese, 11-0, para makamit ang pagkakataon na maging kinatawan ng rehiyon sa World Series sa Livermore, California. (Angie Oredo)

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL