Naaalarma si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa P6.3 bilyong unliquidated funds para sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Taguiwalo, gagamitin ng DSWD transition team ang nasabing Commission on Audit (CoA) report at ikukonsidera nila ito sa isinasagawa nilang pag-aaral sa mga programa ng ahensiya, partikular na ang kanilang Conditional Cash Transfer (CCT) program.

“Although the COA report indicated that the amounts remained either idle or unliquidated with Landbank and its conduits, and other government agencies, the Department is alarmed by the magnitude of the amounts involved because they are equal to more than 10% of the budget of the DSWD,” paliwanag niya.

Binanggit din ni Taguiwalo na tinalakay na rin niya ang bagay na ito sa mga career official ng DSWD.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“We were made aware that the unliquidated amounts are lodged in with agencies that are not under DSWD control, like the Land Bank of the Philippines, CHEd (Commission on Higher Education) and some LGUs (local government units). We will, therefore, explore more effective means to get their utmost cooperation and compliance to achieve our common goals,” pagdidiin ni Taguiwalo. (Rommel Tabbad)