SA nasaksihan naming napakahabang pila ng mga manonood ng Imagine You & Me, walang dudang super-mega-blockbuster ang pelikulang ito nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kasama ang mga kamiyembro sa Greeters and Collectors Ministry ng Sto. Niño de Tondo, pumila kami ng pagkahaba-haba sa SM San Lazaro para panoorin ang pelikula ng AlDub.

Ala-una pa lang ng hapon last Thursday, second day of showing, ay nasa pilahan na kami para bumili ng tickets kasama ang mahigit sa sampung karamihan ay senior citizen. Madali naman kaming nakakuha ng “tiket pass” dahil MTRCB access ang gamit naming, pero naawa kami sa mga kasamahang senior citizens kahit may special lane na rin para sa kanila dahil mahaba rin ang pila.

Alas-dos y medya na kami nakapasok sa sinehan at nag-uumpisa na ang pelikula. Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga upuan sa rami ng mga nanonood!

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Malaking tulong sa tagumpay ng Imagine You & Me ang word of mouth na nakakaaliw, maganda at nakakakilig ang pelikula.

Katunayan, pati ang mga kasama naming senior citizen ay naririnig namin ang tilian sa tuwing magkaeksena sina Alden at Maine.

Ayon sa nakarating na report sa amin, pumalo sa mahigit sa P30M ang first day gross ng Imagine You & Me kaya tiyak na madadagdagan pa ang mga sinehan ng pelikulang ito ng GMA Films, APT Entertainment Inc. at M-Zet Production.

Bukod sa pelikula nina Maine at Alden, nakita naming pinipilahan din naman ang Dukot ng Star Cinema, huh!

Samantala, natural na natural ang acting na ipinakita nina Alden at Maine sa pelikula, pero ang komento ng isa sa mga kasamahan naming, tiyak daw na mas maganda lalo ang pelikula kung Star Cinema ang gumawa, huh! (Jimi Escala)