PIA

ILANG linggo matapos ipahayag ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo ang kanyang panukala na maging punong-abala ng susunod na Miss Universe pageant ang Pilipinas, ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahintulot na ilarga ito.

“The President agreed that sponsoring the event would be a tourism marketing coup with Philippines’ Miss Universe Pia Wurtzbach at the helm,” pahayag ni Teo.

Sinabi niya na nakatakdang magbalik sa bansa si Pia at nanawagan kay Duterte at tiniyak niya na nag-alok ang commercial sponsors na mag-aambag sa bahagi ng franchise money.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Sponsoring Miss Universe is our focus right now, with the plan and sources of funding in tow. We are ready to seize the moment,” sabi ni Teo.

Nauna nang sinabi ng tourism secretary na ang pagiging punong-abala ng Pilipinas sa Miss Universe ay magbibigay ng mas malaking epekto sa pagsusulong ng turismo ng bansa.

“Once Pia announces that Miss Universe is going to happen here, people abroad will start looking at the map and see where the Philippines is. And, we’re saying, we’d love to have you in PI,” dagdag niya.

Una nang sinabi ni Teo na ang mga segment ng isang buwang beauty pageant ay kukunan sa iba’t ibang tourist sites sa Palawan, Boracay at Cebu, na nanguna sa World’s Best Islands 2016 awards ng Travel & Leisure magazine. (PNA)