KUWAIT CITY (AFP) – Itinakda ng Kuwait ang minimum wage para sa daan-daang libong domestic staff nito na karamiha’y Asian, ang unang bansa sa Gulf na gumawa nito, iniulat ng local media noong Huwebes.

Sa kautusan na inilabas ni Interior Minister Sheikh Mohammad Khaled Al-Sabah, itinatakda ang minimum na suwledo sa 60 dinars (P9,325) kada buwan at pinagkakalooban din ang kasambahay ng iba pang mga karapatan, iniulat ng pahayagang Al-Anbaa.

Ang Kuwait ang unang bansa sa Gulf na nag-regulate sa work conditions ng mga kasambahay at hinimok ng Human Rights Watch at iba pang rights group ang ibang nasyon na sundan ito upang masupil ang malawakang pang-aabuso.

Inoobliga rin ng kautusan, ipinatutupad ang makasaysayang panukalang batas na pinagtibay ng parliament noong nakaraang taon, ang mga employer na magbayad ng overtime para sa anumang sobrang oras ng trabaho.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Pinagkakalooban nito ang mga domestic worker ng karapatan sa weekly day off, 30 araw ng annual paid leave, 12-hour working day with rest, at end-of-service benefit na isang buwan kada taon sa pagtatapos ng kontrata.

Ang tinatayang 600,000 katulong sa Kuwait ay hindi kabilang sa 2.4 milyon na nagtatrabaho sa buong Gulf. Hindi sila sakop ng karaniwang batas sa paggawa.