Sylvia at Art, kasama sina Ria, Gela at Xavi. copy

TINANONG sa presscon ng The Greatest Love ang sumulat ng script na si Mr. Ricky Lee kung bakit si Sylvia Sanchez ang napili nilang maging bida sa teleserye.

“Nu’ng unang nag-brainstorm ang creative team, wala pa kaming naisip kung sino kasi gusto namin sa halip na makasentro sa artista, gusto naming i-develop muna fully ‘yung characters bago namin pag-isipan kung sinu-sinong artista ang babagay sa kanila,” sagot ng batikang scripwriter.

Finally, si Ibyang ang napili, dahil, “Puwede kasing maging matigas ang karakter and the same time vulnerable. Puwede siyang maging loud at one time and another time naman is quiet, which is the character of Gloria. ’Yung ang daming contradictions na makikita sa kanyang pagkatao and nakikita namin ‘yun kay Sylvia

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ayaw namin ang isang nanay na iisa lang ang pagkatao, gusto naming complex siya, maraming contradiction, hindi mo alam kung mahina ba siya, malakas ba siya, masama ba siya, mabait ba siya, mabuti ba siya and nakita namin ‘yun kay Sylvia na kuha niya ‘yun, makukuha niya ‘yun.”

Napansin naming seryosong nakikinig ang aktres sa mga paliwanag ni Ricky at naalala namin ang kuwento ni Ibyang noong storycon nila na tulala rin siya habang ikinukuwento sa cast ang bawat karakter ng The Greatest Love. Pagkatapos mailarawan ang lahat, tinanong sila kung may question ang sinuman.

“Isa lang nasabi ko, ‘isa lang ang request ko, puwedeng malinis lagi ang CR o banyo sa location?’” tumawang kuwento ni Ibyang. “Wala akong masabi, ang ganda ng kuwento, ang gagaling ng mga kasama ko, ang linaw ng itatakbo ng kuwento ng Greatest Love kaya ‘yun na lang nasabi ko, dapat malinis ang CR.”

Samantala, natanong naman si Ibyang sa presscon kung bilang ina ay ano ang gusto niyang marinig mula sa mga anak niya.

“Gusto kong marinig siguro sa mga anak ko kapag may kanya-kanya na silang buhay, sabihin lang nila sa akin, ‘Ma, thank you, kasi lahat itinuro mo, lahat inayos natin, nagbigayan tayo bilang nanay at anak, hindi tayo nagpataasan ng pride.

“Saka gusto kong marinig na hindi man ako naging perfect na nanay, makita ko o maramdaman ko na naging okay akong nanay sa kanila,” garalgal ang boses na sagot ng aktres.

Puring-puri ng press si Ibyang na laging in demand, tulad ngayon na katatapos pa lang ng Super D pero heto at may kasunod na agad siyang seryeng ipalalabas at siya na mismo ang bida. Pero ano nga ba ang sekreto niya?

“Siguro, minahal ko kasi ang trabaho, nagpaka-professional ako, hindi ako nagpasaway. The more na tumatanda ako, the more na nag-aaral ako, open ako sa salitang ‘gusto ko pang matuto’.

“’Tapos minahal ko ‘yung mga tao sa paligid ko, sa taping, mula sa boss namin hanggang sa utility, ‘yun lang ‘yun, respeto. Siguro parati kong sinasabi ito at sa mga anak ko, ito ‘yung key ko sa buhay ko na,’ dire-diretso ang blessings sa buhay ko, ang key ko kasi sa langit, nanay ko. Kasi naniniwala ako na kapag mabait kang anak sa magulang mo, magiging successful ka, respeto po sa lahat. At sa set, hindi po ako nagpapakaartista, ipinararamdam ko ang pagmamahal ko sa lahat.

“’Pag rumolyo ang kamera, artista ako, pero kapag off-cam, kaibigan ko lahat, hindi po ako namimili ng tao,” kuwento ng aktres.

Nang tanungin kung sino ang greatest love niya…

“Greatest love ko, ang asawa ko, walang iba. First time niyang pumunta (sa presscon), siya talaga ‘yung mundo ko.

Ilang beses kong sinasabi na sa panahong ito, hindi ako mabubuhay nang wala ang asawa ko, alam nina Dimples (Romana) ‘to, ng mga kasamahan ko, na thankful ako sa project na ito.

“Thankful ako na napunta sa akin ang project na ito kasi ito talaga ‘yung pinakamagandang nangyari sa career ko. Pero alam ng asawa ko na ‘pag sinabi niyang ‘stop ka sa showbiz’ walang dalawang salita na igi-give up ko ang showbiz para sa kanya.

“Pero thankful ako kasi hindi niya sinasabi mula pa nu’ng unang pagpasok ko sa industriyang ito, that was 1989 hanggang ngayon, na wala siyang ginawa kundi tumahimik, ngumiti sa akin at suportahan ako,” may himig ng pagmamalaking kuwento ni Ibyang tungkol sa asawang si Art Atayde.

Samantala, napansin ng entertainment press na hindi talaga sanay si Sylvia na maging bida. For 26 years, supporting role siya lagi. Kasi nang tawagin ang cast para lumakad sa red carpet ay dire-diretsong naglakad si Ibyang at hindi huminto para sa photo-op sa kanyang malaking poster.

“Malay ko ba na may photo-op,” natawang sabi ni Ibyang, “dati naman kasi dire-diretso lang ako maglakad, saka ilang beses lang naman ako uma-attend ng presscon, usually mga bida lang naman ang kasama sa presscon.”

Sa rami ng seryeng nagawa niya, ngayong kasama na siya sa poster, ano ang pakiramdam niya?

“Masaya, masayang-masaya ako. Nakita ko, parang… ano ‘to, ay mukha ko? Mayroon dati puro pangalan ko lang. Sabi nga ng Diyos… in His time. Perfect timing lang talaga, kaya naniniwala ako,” nangingilid ang luhang sabi ni Sylvia.

Hindi pa binanggit sa presscon kung kailan ang airing ng The Greatest Love pero ang malinaw na sabi sa amin ay ‘soon’.

Mula sa direksyon ni Dado Lumibao under GMO unit, makakasama nina Ibyang at Dimples (bilang panganay na may pinagdadaanan kaya laging kaaway ang ina) sina Aaron Villaflor sa papel na adik at single dad, Andi Eigenmann ang mabait na anak pero may saltik, Mat Evans na bading at malapit sa ina, at si Joshua Garcia bilang nag-iisang apo, malapit at sobrang mahal na mahal ang lola niya. (REGGEE BONOAN)