SAN JUAN, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang barangay kagawad matapos umanong makuryente sa San Juan, Batangas.

Nangisay at binawian ng buhay si Delfin Araño, 52, kagawad ng Barangay Maraykit sa naturang bayan.

Ayon sa report ni SPO1 Reynaldo Red, dakong 9:30 ng umaga nitong Hulyo 13 at nag-aayos ng kuryente ang biktima sa bahay ng isang kaanak sa Bgy. 2 nang mahawakan nito ang kawad ng kuryente. (Lyka Manalo)

Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City